Natatandaan ko nung nasa college ako, meron kaming final exam/project kay sir Iyo sa Liberation Theology. Bukasan daw namin ang mga mata namin sa kapaligiran at icapture ang mga nakita namin using our camera. Nung time na yun, film ang ginamit namin at nagdecide ako na black and white ang theme. Sa palibot ng Calamba, madami kaming nakita na outcry ng lipunan. Nandyan na yung si Manong, sya yung palakad lakad na naka Bob Marley ang buhok at paminsan minsan eh nabili ng yosi, na nasiraan ng bait dahil daw sa pag-aaral (di ko sure kung totoo nga yon pero yan ang sabi sabi nung mga tricycle driver hehehe). Yung mga madre sa simbahan na nagtitinda ng mga religious goodies, mga pulibing bata sa labas ng McDo na nagtitinda din ng dyaryo habang nasusugal hehehe. Nung naprint na yung mga nakunan ko, miski sobrang pangit ng pagkadevelop nung picture, satisfied ako kasi nakita ko sa picture kung ano yung nakikita ng iba. Kung ano yon eh mas maganda na subukan nyo din. Yun yung dahilan kung bakit ko nahiligan ang photography.
Maraming Salamat sir Iyo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment